News TOP

News Detail

Anong kailangan mong malaman sa middleman?



May mga papel na mainam na gampanan sa isang aspeto, pero dapat iwasan naman sa ibang pagkakataon. Isa na rito ang paigigng middleman na kung isang karera ay magandang subukan. Subalit kung ikaw naman ay isang negosyante na naghahanap ng supplier ay mainam na sila ay iwasan. Bakit?

Middleman bilang karera o negosyo

Ang pagiging middleman sa ibang tawag ay pangongomisyon, pag-aahente, at tagapamagitan para sa pamamahagi ng produkto o serbisyo. Hindi ito ang manufacturer o tagagawa ng produkto at wholesaler pero maaaring sila ay isang distributor din. Kaya kung ikaw ang middleman ay basta may mapagkukunan ka (manufacturer o wholesaler) at kakayahan lalo na sa marketing ay mayroon ka ng kabuhayan.

Maaari mo itong gawing raket o full-time job. Sa pamamagitan ng papel na ito ay makakapagbenta ng isa o sari-saring produkto depende sa magiging usapan mo sa iyong kinukunan. Mainam din ito bilang negosyo dahil magagawa mo ito kahit saan, online at offline. Isa pa’y mga kumpanya rin na hindi direktang nakikipagtransaksyon sa kanilang mga customers. Nais nilang kumuha na lamang ng distributor, dealers, at retailers para mapadali ang pag-aalok ng kanilang produkto.

Pakikipagtransakyon sa middleman

Sa ibang banda, ang isa sa dapat mong iwasan kung ikaw ang negosyante na kumukuha ng produkto ay makipagtransaksyon sa middleman. Sa ganitong paraan ay makakasiguro ka ng magandang presyo ng iyong supply. Minsan din kasi ay nagagawa ng middleman na doblehin ang orihinal na presyuhan ng wholesaler at manufacturer.

Kung magaling din ang middleman ay kaya nitong mag-alok ng akala mo ay maginhawa pero nalilimitahan pala ang iyong operasyon. Ang ilang halimbawa ng ginhawa o convenience na hatid nila ay madali silang mahanap sa internet. Madali rin silang matawagan para personal kang kausapin.

Samantala, ang isa naman halimbawa ng panghihikayat ay pagkakaroon ninyo ng kasunduan na may bayad o membership fee. Ang kapalit naman ng bayad ay pangakong makakuha ka ng magandang presyo sa anumang produktong mayroon ito. Kahit na legal ang pamamaraan na ito ay maaaring hindi ito sulit pagdating sa pagbalik ng iyong puhuhan, at sa bilang ng produktong iyong ibibenta.

Sa wholesaler at direct distributor, bagaman ikaw ang lalapit ay magsisimula at matatapos ang transaksyon sa iyong pagbili. Walang anumang ekstrang babayaran maliban sa presyo na inyong napag-usapan.

Paano makikilala ang isang middleman?

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay madaling makilala kung wholesaler, distributor, o middleman ang kausap. Para magkaroon ng inisyal na pagsusuri, narito ang ilang simpleng paalala:

Gaya ng nabanggit ay maaaring may patunay na ang isang middleman ay lehitimo para magbenta ng produkto o maging distributor. Ang dapat lang mahanap ay sino ang direktang distributor at sila mismo ang kunan ng produkto. Bagaman minsan may mga direct distributor na may mga salesman o tauhan, mainam pa rin na magkaroon ng direktang koneksyon sa pinakamataas.

Ang direct distributor, wholesaler at lalo na ang manufacturer ay hindi “hard sell” kung mag-alok ng produkto. Sa panahon ngayon na libre ang maglathala sa social media at classified ad websites, ang madalas na makikitang ad posts dito ay mula sa middleman.

Ang alok na negosyo ng isang middleman ay masyadong maginhawang gawin. Sa realidad ang tunay na pagnenegosyo ay may kasamang hirap at pagod. Kapag ang supplier ay nag-aalok nang napakakumportableng paraan ng bigayan ng produkto, maaaring isa itong middleman.

Pinoy Gazette