News TOP

News Detail

159 na magsasaka sa N. Samar sinanay sa bagong rice farming technology



Sumailalim sa serye ng pagsasanay ang 159 na magsasaka sa Northern Samar sa pangunguna ng Japan International Cooperation Agency (JICA) para matulungan sila na makahanap ng oportunidad sa agribusiness at mapalakas ang kanilang kita.

Bahagi ito ng “Special Assistance for Project Sustainability (SAPs) for the Help for Catubig Agricultural Advancement Project (HCAAP)” na binubuo ng 11 modules na nagsimula noong Mayo na tumagal hanggang Hulyo.

“JICA has dedicated much of its work to alleviating the plight of farmers and those living in rural areas. We are well aware of the needs of the common farmers to increase their income and raise productivity of their soil,” sabi ni JICA Chief Representative Yoshio Wada.

“This is why this training aims to help farmers change their mindset on farming as a way of life to an agribusiness opportunity,” dagdag pa niya.

Sinanay ang mga magsasaka sa values formation at paggamit ng teknolohiya tulad ng PalayCheck at organic farming.

Base sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) 2015 Family Income and Expenditure Survey, nanatiling kabilang ang mga Pilipinong magsasaka sa mga pinakamahirap na sektor na may poverty incidence na 34.3%.

Pinoy Gazette