News TOP

News Detail

Kaalaman sa flood forecasting ibinahagi ng Japan sa PAGASA



Dinala ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang isang grupo ng weather specialists mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Japan para sumailalim sa dalawang linggong pagsasanay.

Ito ay bahagi ng JICA-PAGASA cooperation project na “Strengthening Capacity of Integrated Data Management of Flood Forecasting and Warning.”

Ayon sa JICA, maaaring makatulong sa pagpapalakas ng flood forecasting at warning system ng PAGASA ang isang proyekto sa pagkalap ng mga datos ng mga Pinoy meteorologists mula sa mga pangunahing river basins ng bansa.

“The Philippines has begun installing a River Flood Forecasting and Warning Center in some of its key river basins and JICA as the country’s longstanding development partner would like to help build the capacity of PAGASA in quality management of data for accurate and timely flood forecasting,” ani JICA Senior Representative Ayumu Ohshima.

“Japan and the Philippines share common experiences when it comes to natural disasters and we also aim to share the accumulated knowledge we have on disaster management to support the country’s disaster resiliency efforts,” dagdag pa niya.

Dumalo ang mga trainees sa mga lectures tungkol sa flood forecasting, warning system at emergency evacuation systems. Binisita rin nila ang Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism (MLIT) at ang Japan Meteorological Agency (JMA).

Sinabi ng mga mga partisipante mula sa Agno, Cagayan de Oro, Davao at Pampanga flood forecasting and warning centers na maaaring makatulong ang pagsasanay sa pagpapabuti ng kanilang management at operations capability sa mga river centers.

“The training was an opportunity for us to learn Japanese technology and ideas. We saw how Japan invested in structural and non-structural measures to ensure the safety of its people, protect investments and industries, and other critical lifelines. The close coordination of private companies, stakeholders, and government institutions also makes their environment safe,” ani Rosalie Pagulayan, weather specialist mula sa PAGASA Hydrometeorological Division na dumalo sa pagsasanay.

Binanggit din ng mga partisipante na pinosisyon ng Japan ang mga balangkas at pulisiya para sa meteorological at hydrological services na makatutulong para “set standards at the national and local government level and installed necessary equipment in their river systems to improve flood forecasting services.”

Pinoy Gazette