News TOP

News Detail

Japan magbibigay ng technical assistance sa electric coops sa Pilipinas



Magkakaloob ng technical assistance sa distribution network system ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at mga kumpanyang Hapon sa mga electric cooperatives sa Pilipinas para mapahusay ang energy resiliency at reliability ng bansa.

Sa ilalim ng “Collaboration Program for Disseminating Japanese Technology for Electricity Distribution System and Management in the Philippines,” papangunahan ng JICA, TEPCO Power Grid at affiliate firm nito na Takaoka Toko ang rollout ng smart grid technology upang matulungan ang bansa na mapabuti ang kakayahan nito na mahadlangan ang power interruptions o blackouts.

Malugod naman itong tinanggap ng mga kinatawan ng 92 electric cooperatives (EC) ng bansa.

Isang seminar ang isinagawa sa himpilan ng National Electrification Administration (NEA) kung saan ipinakita ang advanced distribution system at products ng TEPCO PG at Takaoka Toko.

Maaaring kuhanin ng mga ECs ang nabanggit na Japanese technologies upang makatulong na mapagbuti ang kanilang system reliability at resiliency sa mga natural disasters.

“As development partner of the Philippines, we recognize the crucial role of supporting reliable energy supply to help grow Philippine investments and overcome the vulnerability of the country. JICA’s development cooperation activities will continue to share Japanese expertise to address challenges that affect Philippine global competitiveness and long-term growth,” ani JICA Senior Representative Tetsuya Yamada.

Unang gagamitin ang teknolohiya sa Batangas II Electric Cooperative, Inc.

Kilala ang Japan sa advanced and resilient electricity distribution system nito sa kabila ng mga disturbances mula sa extreme weather at natural disasters. Isang halimbawa ang paglalagay ng Takaoka Toko ng transformer sa Pilipinas noong 1975 na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin.

Pinoy Gazette