News TOP

News Detail

Japan, DPWH nag-inspeksyon sa ginagawang proyekto sa Pasig River



Ininspeksyon nina Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang ginagawang Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) at Guadalupe Bridge at Lambingan Bridge na pinopondohan ng gobyerno ng Japan kamakailan.

Papagaanin ng PMRCIP ang madalas na pagbaha sanhi nang pag-apaw ng Pasig-Marikina River na nagreresulta sa malubhang pinsala sa buhay, pag-aari at imprastraktura sa Metro Manila gamit ang disaster prevention technology ng Japan.

“This project comprises of the construction and installation of revetments, parapet walls, dike embankment, sluice structures, bridge foundation protection and even riverbank excavation, dredging works, and drainage improvement along the priority critical sections of the Pasig-Marikina River,” ani Villar.

Natapos na ang Phase III ng proyekto na binubuo ng Lower Marikina River Improvement (Napindan Channel to Downstream of Mangahan Floodway) at ng natitirang proyekto mula sa Pasig River Improvement (Delpan Bridge to Napindan Channel).

“The completion of Phase III decreased flood inundation by 18% as well as reduced flood damages by Php 14.3 billion. It also reduced the number affected population by 0.2 million,” dagdag ni Villar.

Kasalukuyang isinasagawa ang civil works para sa Phase IV ng proyekto at target ang downstream ng Mangahan Floodway patungo sa Marikina Bridge. Kabilang din dito ang konstruksyon ng Marikina Control Gate Structure na mas makakapagpababa sa pagbaha ng 7.5 porsyento.

“This channel improvement project will also help create a more dynamic economy in the metro by providing a flood-free urban center and rehabilitated drainage system, thus resulting to a sanitized and improved living condition for people residing around the area,” dagdag ni Villar.

Layon naman ng Bridges Seismic Improvement Project na mapabuti ang earthquake resistance ng dalawang nabanggit na tulay na sisimulan sa 2019 sa pamamagitan ng Metro Manila Priority Bridges Seismic Improvement Project.

Pinoy Gazette