News TOP

News Detail

Richard Gutierrez, Kapamilya na



Nagbabalik sa telebisyon ang heartthrob na si Richard Gutierrez bilang isang Kapamilya matapos na pumirma ng kontrata sa ABS CBN kamakailan upang maging bahagi ng “La Luna Sangre,” ang bagong teleserye na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kilala si Richard bilang isang prized talent ng GMA kaya naman nagulat ang marami sa paglipat nito ng istasyon. Subalit ani Richard, maganda ang offer sa kanya ng Kapamilya network na hindi niya kayang tanggihan.

“First time na I’ll be portraying something like this. Dream role ko ito. It’s an offer I can’t refuse,” pahayag ni Richard na gaganap sa papel na Sandrino na isang bampira.

“An opportunity, an offer like this doesn’t come very often. I’m not going to take it for granted. I’m going to embrace it and enjoy it and work hard for it!”

Nagpapasalamat si Richard sa ABS CBN sa pagbibigay sa kanya ng isa pang oportunidad na magbalik sa showbiz lalo na’t sa tingin niya ay akmang-akma ang proyekto para sa kanya. Itatampok din sa La Luna Sangre sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

“I’m very happy and thankful to be in ABS-CBN. I’ve been away from the limelight for a while now. I really needed that to grow as a person, as a man, to spend time with my kid and my family. I needed that time away. Now, I’m back. Now, I’m ready. I’m reenergized and focused and I know myself better now.”

“I chose to rest, to really step back, to look myself, to look at people around me, what really matters to me, to my family, and I needed that just to re-energize myself,” ani Richard sa press conference ng La Luna Sangre.

Sa pagtanggap niya ng papel na ito ay makakatapat ng La Luna Sangre ang “Mulawin vs Ravena” na umeere ngayon sa GMA 7 at dating pinagbidahan nina Richard at Angel na naging patok sa primetime.

“I knew this question would somehow come along. I’m thankful for what GMA has done for me through the years. They shaped who I am. But as an individual, as an actor, I’m happy where I am today. I’m thankful, but I’m also looking ahead,” ani Richard.

“Perfect timing ‘yung nangyari. I was on a vacation with my family when I heard the news, so from the moment I got back from that vacation, I had to hit the gym right away. But the timing was perfect. Everything fell into place perfectly. I believe that it’s a blessing. I believe that God won’t give me this blessing if He knew I’m not ready.”

Bukod sa La Luna Sangre, nakatakda rin gumawa ng pelikula si Richard kasama sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa ilalim ng Star Cinema.

Pinoy Gazette  

Pinoy Gazette Digital Edition