News TOP

News Detail

Liza Soberano, isisigaw na ang ‘Darna’ sa inaabangang bagong pelikula



“She has the strength physically, ‘yung itsura at katawan. And then tama ‘yung edad and you can do a lot of things sa mukha niya. Pwede siya mag-iba-iba ng itsura and she could still look really good. At the same time, Pinay siya na maganda, pan-Asian. Mahirap ‘yung mestiza eh,” ang tugon ni director Erik Matti sa panayam sa kanya ng DZMM tungkol kay Liza Soberano bilang bagong gaganap na “Darna” sa pelikula.

Taong 2015 nang pormal na inanunsyo ni Angel Locsin, ang original choice bilang Darna sa gagawing movie remake ng ABS CBN at una niyang ginampanan sa telebisyon noong 2005 sa GMA, na hindi na niya gagawin ang pelikula dahil sa kanyang back injury.

The road to the new iconic Pinay superhero

Bago ang opisyal na pagkakahirang kay Liza bilang kumpirmadong bagong Darna, maraming mga pangalan ang lumutang na may mga kanya-kanyang tsansa para sa karakter – Kathryn Bernardo, Julia Montes, Yassi Pressman, Ritz Azul, Nadine Lustre, Jessy Mendiola, Arci Muñoz, Pia Wurtzbach, Sarah Geronimo, Maja Salvador, at Anne Curtis.

“Yes, it is confirmed. Tinatanggap ko na ang role na Darna,” ang nakangiting pahayag ng Filipino-American Kapamilya actress sa kanyang unang panayam bilang bagong Darna.

Kamakailan lang ay nagpa-sampol ang young actress sa pagsigaw ng Darna sa Sunday variety show na “ASAP” na kanyang live TV launch bilang Darna. Aniya, “You know everyone’s watching you, so medyo kabado ako on my part but I’m also confident that I will be able to succeed a good role model to the younger generation. I’m also excited to be embodying the iconic character.”

The many faces of Darna

Unang lumabas si Darna sa Bulaklak Magazine (1947) at kalaunan sa Pilipino Komiks (1950) mula sa akda ni Mars Ravelo at artist Nestor Redondo, at hango sa naunang karakter ni Ravelo na si “Varga.”

Mula rito, samu’t saring adaptations na sa telebisyon at pelikula ang ginawa sa istorya at karakter ni Darna. Sa pelikula, una itong isinabuhay ni Rosa del Rosario (1951-52), na sinundan nina Elvira Reyes (1954), Liza Moreno (1963-64), Nida Blanca (1963), Eva Montes (1965), Gina Pareño (1969), Vilma Santos (1973-75/1980), Rio Locsin (1979), Sharon Cuneta (1986), Anjanette Abayari (1987/1994), Nanette Medved (1991), Daisy Reyes (1993), Alma Concepcion (1993), Regine Velasquez (2003), at sa telebisyon nina Angel Locsin (2005) at Marian Rivera (2009).

Rise to stardom

Una namang nakita sa telebisyon si Liza sa “Wansapanataym” (2011) at nag-film debut sa “Must Be… Love” (2013) at iba pang supporting at special appearances sa “Maalaala Mo Kaya,” “She’s The One” (2013) at “Got to Believe” (2013-14) bago ang kanyang breakout role bilang female lead sa teleseryeng “Forevermore” (2014-15) kung saan din ipinakilala ang bagong tambalan nila ni Enrique Gil.

Dahil sa tagumpay ng LizQuen loveteam, nagkaroon agad sila ng launching movie, ang “Just The Way You Are” (2015) na nasundan pa ng ibang hits na “Everyday I Love You” (2015) at pagbabalik telebisyon ng tambalan sa “Dolce Amore” (2016), at ang kamakailan na Valentine hit na “My Ex and Whys.”

Pinoy Gazette  

Pinoy Gazette Digital Edition