News TOP

News Detail

Mga bigating Hollywood actors bumisita sa Japan



Binisita ng mga Hollywood A-list actors na sina Brad Pitt, Keanu Reeves at Hugh Jackman ang Japan kamakailan para sa promosyon ng kani-kanilang mga pelikula.

Dumating sa bansa si Pitt para i-promote ang kanyang Netflix film na “War Machine” kasama sina Jeremy Kleiner, David Michod at Dede Gardner.

“This was a real labor of love for all of us. It’s a rare opportunity to get to play a big character like this,” pahayag ni Pitt nang siya ay dumalo sa red carpet premiere ng pelikula na ginanap sa Roppongi Hills Arena.

Nag-promote rin ng pelikulang “John Wick: Chapter 2:” si Keanu Reeves sa premiere night na ginanap sa TOHO Cinemas Roppongi. Kasama niyang dumalo rito ang direktor ng pelikula na si Chad Stahelski at Japanese singer na si Akiko Wada.

“It’s got great action. It’s funny. It’s soulful. It’s different. It’s new,” paglalarawan niya sa pelikula.

Nagtungo rin dito si Hugh Jackman kasama ang direktor na si James Mangold at asawang si Deborra Lee Furness para tapusin ang global press tour ng pelikulang “Logan” kung saan huling beses na niyang gagampanan ang papel bilang Wolverine ng X-Men series.

“This is a very, very fitting place for the last stop on a 17-year journey. The first place we went to promote X-Men in the year 2000 was Japan,” pagbabahagi ng aktor.

Malaki ang fan base ng tatlo sa Japan na ilang beses na rin bumisita sa bansa.

Ang Japan ay pangatlo sa mga bansa sa buong mundo na may malakas na hatak sa mga Hollywood films.

Florenda Corpuz / Pinoy Gazette  

Pinoy Gazette Digital Edition