News TOP

News Detail

Mga obra ng direktor ng ‘Doraemon’ ibibida sa TIFF



Para gunitain ang ika-100 anibersaryo ng Japanese animation ay napili ng 30th Tokyo International Film Festival (TIFF) na bigyang pugay si Keiichi Hara na kilalang direktor ng maraming palabas sa telebisyon kabilang ang animated series na “Doraemon.”

Ipapalabas ng TIFF ang kanyang mga obra noon at ngayon sa pamamagitan ng retrospective na “The World of Keiichi Hara” sa Animation Focus Section ng festival na gaganapin mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3.

Nasungkit ni Hara ang Jury Award mula sa prestihiyosong Annecy International Animated Film Festival 2015 dahil sa kanyang obra na “Miss Hokusai.” Nanalo rin ang “Colorful” noong 2011 sa parehong festival pati na rin ng Japan Academy Prize.

“Hara has been chosen in honor of his exceptional body of work. He is renowned for his ability to combine a strong auteurist approach with commercial appeal, and his increased international recognition has given him a prominent role in both current and future anime culture,” saad ng TIFF sa isang pahayag.

Pinanganak noong 1959, sinimulan ni Hara ang kanyang animation career sa telebisyon at dinirehe ang mga popular na children at family-oriented shows tulad ng “Doraemon” at “Crayon Shin-chan.”

Pinoy Gazette  

Pinoy Gazette Digital Edition