News TOP

News Detail

Special run of ‘Care Divas’ honors OFWs in laughter, colors and songs



Ngayong buwan ng Hunyo, muling ipinagdiwang ang ika-119 na taong kalayaan ng Pilipinas at ating bibigyang-pugay at aalalahanin ang mga bayaning Pinoy na matapang na ipinaglaban ang tunay na kalayaan para sa bawat Pilipino at sa buong bansa. Alinsunod sa pagdiriwang, sadyang napapanahon naman ang muling pagbabalik sa entablado ng award-winning stage musical, ang “Care Divas” sa PETA Theater Center simula Hunyo 24 hanggang Hulyo 30.

Nitong unang bahagi lamang ng taon ay ibinalik din ang Care Divas sa pagtatanghal bilang opening sa ika-50 anibersaryo naman ng Philippine Educational Theater Association (PETA), ngunit unang pumukaw ito ng pansin sa publiko at mga kritiko noong 2011 kung saan siya umani ng maraming papuri sa 2011 Philstage Gawad Buhay! Awards.

An ode to the new Filipino heroes

Sa ikatlong pagbabalik sa entablado ay nagsama ang PETA at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para ihandog ang musical bilang natatanging pagpupugay sa mga bagong bayani ngayon, ang mga overseas Filipino workers. Pinamagatan itong “A Tribute To Our OFW heroes – CARE DIVAS: An Original Pinoy Musical.”

Bahagi rin ang special run ng selebrasyon ng ika-35 anibersaryo ng OWWA na patuloy na nagbibigay, sumusuporta at pinagbubuti ang mga programa nito para sa mga OFWs at mga pamilya nito – social and educational training, workers welfare assistance, at reintegration program.

“OWWA’s mandate is to take care of the OFWs and their families here in the Philippines. We support this kind of play particularly iyong pang-OFWs para naman ang ating mga pamilyang OFW lalong-lalo na iyong ating mga employees sa mga migration communities ay may nalalamang mas malalim pa sa isyu ng migration. With PETA’s goal to share the stories of OFWs, I am happy that this time, OWWA is actively participating in this kind of cultural endeavor” ang pahayag ni OWWA representative Josephine Sanchez-Tobia sa press launch kamakailan.

A much-improved musical for the family

Kwento ito ng limang transgender OFWs sa Israel na nagtatrabaho bilang caregivers sa umaga at drag queens naman sa gabi na sina Chelsea (Melvin Lee), Shai (Vincent De Jesus/Ron Alfonso), Thalia (Dudz Teraña/Jason Barcial), Kayla (Gio Gahol/Jerald Napoles/Ricci Chan), at Jonee (Thou Reyes/Phil Noble).

“It’s a moving play, a must-watch that will touch the heart and mind of the audiences. Care Divas is special to us at PETA because it is one of our landmark plays, as we usually tackle plays with social significance. Care Divas deals with the OFW migration experience. It’s one of the first plays that brought in a number of theater goers, and we were surprised by the kind of audiences that came – they’ve never set foot in a theater before. Galing sa iba’t ibang lugar sa mundo at sa kung saan-saan, they came and found the story so heartwarming,” ang madamdaming pagbubukas ni PETA president Cecilia Garrucho.

Nagpatikim naman ang cast nito sa naturang launch ng prequel na nagpapakita sa mga caregiver/drag queen characters na sumasailalim sa visa procurement interview. “It’s a backstory of each characters to show kung ano ‘yung pinagdadaanan ng OFWs bago makaalis,” ang paliwanag ni director Maribel Legarda.

Aniya, “no show is the same as another” dahil na rin sa magkakaibang aktor na gumaganap sa iisang karakter kaya’t nagbabago rin ang atmospera at takbo ng play. Dagdag naman ni Vincent de Jesus (Shai) at lyricist, composer, arranger at musical director ng play, abangan din aniya ang mga panibagong pakulo ng mga magkakaibigan. Nagsikap din ang buong team na panatiling ‘fresh at current’ ang musical mula sa set, costumes at scenes.

Pinoy Gazette  

Pinoy Gazette Digital Edition