Your Monthly Horoscope

(excerpt from PinoyGazette September 08, 2016)

Aries : Mar.21-Apr.19
Magandang panahon ito para sa real estate opportunities at renovation, do-it-yourself home improvements o ‘di kaya ay paglipat sa ibang lugar na mas angkop sa trabaho o lifestyle. Ang huling linggo ng buwan ay magdadala sa iyo ng ilang oportunidad para magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay at solusyon sa iyong mga problema.
Taurus : Apr.20-May.20
Makakakuha ka ng magandang resulta sa mga inisiyatibo na iyong ginawa dahil na rin sa tulong ng ibang tao sa iyo. Isang oportunidad sa aspetong pinansiyal ang darating kasabay ng pagkakaroon ng isang matibay na samahan na nagmumula sa magandang kooperasyon ng iyong grupo.
Gemini : May.21-Jun.21
Hindi kailangang madaliin ang mga plano na iyong nais na matupad dahil maaaring nagsasayang ka lang ng oras kapag minadali mo ang mga bagay-bagay. Kung gusto mo itong mapagtagumpayan ay kailangan mong siguraduhin na pulido ang bawat hakbang na iyong gagawin. Magsaliksik ng mabuti at magtanong-tanong kung kinakailangan.
Cancer : Jun.22-Jul.22
Malaki ang maitutulong ng iyong mga malalapit na kaibigan upang magkaroon ka ng lakas ng loob para tahakin ang nais mo na educational at professional growth. Lahat ng totoong kaibigan ay naghahangad na magawa mo kung ano ang sa tingin mo ay ikabubuti ng buhay mo. Sila rin ang unang tatapik sa iyo sakaling nakikita nila na napapariwara ka.
Leo : Jul.23-Aug.22
Nagiging biktima ka na ng mga gawain na paulit-ulit mong ginagawa na dahilan para magsawa ka at maging malungkot. Subukan mo na ibahin ang iyong routine o gawin ang isang bagay na matagal mo ng hindi nagagawa. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka ng sapat na inspirasyon para sa mas makahulugan na pamumuhay.
Virgo : Aug.23-Sept.22
Ang buwan na ito ay isang magandang oportunidad para magbiyahe sa lugar na hindi mo pa napupuntahan. Marami kang matutuklasan hindi lamang sa kultura at uri ng pamumuhay ng ibang tao kundi mga bagay na tungkol sa iyong sarili. Huwag mangimi na palawigin ang iyong karanasan at kaalaman tungkol sa buhay at sa mundo.
Libra : Sept.23-Oct.22
Marami kang napapansin na pagbabago sa iyong buhay at nagkakaroon ito ng malaking epekto sa iyo. Sa iyong relasyon, mag-ingat sa masyadong pagbibigay sa iba ngunit wala ka naman napapala. Sa usapang pinansiyal, ilista ang bawat halaga ng iyong ginagastos upang malaman mo kung saan bahagi ka kailangang magtipid.
Scorpio : Oct.23-Nov.21
Malalampasan mo rin ang takot ng pag-iisa kung hahayaan mo ang iyong sarili na gawin ang mga bagay na walang katulong na iba gaya ng pagpunta sa gym o sa mall, pagkain sa restaurant, pagbiyahe at iba pa. Maging responsable sa sarili mong desisyon.
Sagittarius : Nov.22-Dec.21
Ngayon ang panahon para harapin mo ang kinakatakutan mo. Maniwala sa iyong sarili at manindigan. Huwag mong balewalain ang iyong mga natatanging talento para lamang sa madaling buhay dahil ang buhay ay tungkol sa pagsunod sa mga pangarap mo at hindi para ipagpalit ang mga pangarap para sa madaliang ginhawa.
Capricorn : Dec.21-Jan.19
Gawin mo ang mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo dahil maikli lamang ang buhay. Huwag maging alipin ng mga bagay na kung tutuusin ay wala namang masyadong kabuluhan. Sa ganitong paraan ay hindi ka magsisisi dahil nagawa mo ang mga gusto mong gawin at naging masaya ka.
Aquarius : Jan.20-Feb.18
Magandang panahon ito para ibahin ang direksyon na iyong tinatahak at gawing totoo ang mga pangarap. Maaaring hindi pa siya buong nagaganap pero nagsisimula na itong mangyari ayon sa iyong kagustuhan kaya’t hindi ito ang panahon para sumuko.
Pisces : Feb.19-Mar.20
Pangkaraniwang paniniwala na hindi ang alam mo kundi sino ang kilala mo ang magdadala sa iyo ng magandang oportunidad. Huwag magpadala sa ganitong paniniwala. Ang mga tulad ni Steve Jobs at Bill Gates ay hindi yumaman dahil lang sa kung sino ang kilala nila. Naka-depende ito sa kung ano ang alam mo at kung paano mo ito mapapayabong.