Electricity

Dito sa Japan, iba ang voltage ng kuryente nila from outlet so kung plan ninyo magdala ng appliance from Philippines, be sure lang na basahin mabuti ang VOLTAGE Rating dahil maaring ikasira ng gamit ninyo ang mababang voltage rating. Ganun din kung ikaw ay bibili ng gamit mula sa Japan papunta sa Pinas dahil maari naman masunog ang iyong gamit dahil mas mataas naman ang voltage rating sa pinas. Kung magkaiba talaga ang voltage rating, maari nyo pa rin gamitin ang mga gamit, pero kailangan ng voltage transformer.
Philippines : 220 V, 60Hz
Japan: 100 V (almost 110V), 50Hz

Para makapag-apply ng serbisyo, mag inquire at isulat sa form ang inyong pangalan, tirahan at kung kailan mo gusto maging active ang service.

Pag a-apply ng water service

Pareho din sa electric services, mag apply lang gamit ang inyong pangalan, address at ang date kung kailan mo gusto magsimula ang service. Mas makakabuti na mag request 3 -4 na araw bago ang actual na simula ng service.

Applying for a Telephone Service

Maraming company ang nag o-offer ng telephone services. Kung landline, madali lang mag apply, ipadala lang ang application sa NTT (116). Kailangan mo ang iyong Alien Registration (gaikokujin tourokusyou), driver’s license na valid sa Japan o passport.

NTT Information Center(English/Mon-Fri 9am~5pm):
Tel:0120-364-463
(except holidays and from Dec.29 to Jan.3)
JAPAN TELEPHONE DIRECTORY-iTOWNPAGE(English)
URL: http://english.itp.ne.jp/

Kung mobile phone naman, marami din paraan. Pero may mga case na mas maganda mag apply sa mga partner supplier, dahil minsan makakakuha ka ng libreng service, katulad na lang sa IPS. Madali makakuha ng Softbank mobile phones kasi Pinoy staff ang kakausap sayo at masasagot ang iyong mga tanong about sa mobile phone.